Tag Archives: Swerte

Swerte?

Minsan talagang maswerte ka lang talaga, di mo tuloy lubos maisip kung guni guni lang ito o katotohanan na mapasagot mo ng Oo sa isang Date ang babaeng gusto mo. Kung minsan din naman minamalas ka dahil sa ibat ibang dahilan na halatang ayaw ng babae sa iyo. Pero kung sa totoong buhay lang ang hirap para sa isang lalake na magkaroon ng lakas ng loob para lumapit at sabihing “pwede ba kitang maanyaya lumabas?” ,na hindi namumutla, nanginginig sa takot, nabubulol at pinagpapawisan… Isa kang malaking sinungaling pag sinabi mong hindi ka dumaan nito. Kahit sino walang takas sa ganitong klaseng scenario, at kahit kanino pwede itong mangyari.

“Excuse me uhhm …uhhmm miss uhhmm uhhmmm you know uhhm uhmm…. I invite you outside… uhhmm uhhmmm… will you come to me? ….”, sambit nang isang lalake na gustong magyaya ng date, kahit na lagpas baba na ang kanyang nosebleed, ito ang karaniwan ginagawa ng karamihan para magpa impress, kunwari marunong sila mag engles hindi naman kaya magsalita ng maayos. Sa pag aakala na mag madadagdagan ang kanilang chansa na mapasagot ng Oo ang babaeng gusto nila, ito ay isang malaking pag-kakamali, pagkat hindi nadadaan sa kung gaano ka magaling magsalita o kung may alam kang ibang lenguahe, kundi nasa paraan ng pagsasalita at sa sinseridad ng mga binitawan mong salita.

Lahat naman tayo ay may pagkakataon, nasa sa iyo na kung kukunin mo ang pagkakataon na iyon dahil mahirap umasa sa panahon, at ang tanging nakakapagtagumpay dito ay ang mga taong hindi takot mabigo at handang matuto.