Protected: Isang Kababalaghan

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

Jan 30, 2010, a date to remember

kung ang iba ay may super powers gaya nang lazer eyes, Xray vision, Night vision, umapoy o marunong mag kame hame wave, Gaya nila, Wla ako nun ang na develop ko lang kasi ay ang skill na matulog habang naka upo sa klase at maging immune sa ingay ng mga kaklase ko, kahit papaano nakakapag pahinga utak ko mula sa stress. araw ng sabado 7:30am, kakagaling ko lang sa trabaho papuntang eskwela, dala dala ang dalawang pares ng eyebags, mangitim ngitim pa at fresh na parang babagsak na sa lupa, at ang mata kong sumisingkit sa 8 hours na stress at puyatan, wala akong nagawa buong period kundi ang umupo nlng at kunwaring nakikinig sa professor habang natutulog sa laboratory, sakto din 4 hours pwede ako matulog dahil kelangan ko magpahinga at may date pa sa hapon.nag hibernate ako sandali dahil na rin sa kalimigan ng laboratory , at medyo napahimbing ang aking tulog nang biglang “BLAG!!” nahulog na pala ako sa aking kinauupuan, (wow isa nanamang imbarassing moment ang nadagdag sa buhay ko), napatayo ako sabay sabing , “pare nakita mo ung ball pen ko?” bilang palusot sa kahihiyang nangyari sabay , higit na isang oras na pala akong naka-tulog sa kinauupuan ko , kanya kanyang banat na ang mga kaklase ko sa pag-gawa ng mga pagsasanay kaharap ang computer. dinampot ko ang mouse at keyboard at nag google nalang “best dating places in davao city”, kasamaan nga lang wala silang listahan na ganito ang lumabas tuloy sa search mga blogs at iba pang lugar sa davao city , gaya ng peoples park , rizal park, Seawall atbp. lahat ito ay popular na mga lugar na pinupuntahan ng mga tao. pero hindi ito ang hinahanap ko, gusto ko yung mura lang, affordable at maganda. sa aking paghahanap, nakita ko ang lolengs mountain resort , maganda dito pero malayo, inisip ko mag zipline nlng para ma iba naman kaya lang malayo din ang venue. natapos ang buong klase wala pa akong nakitang isang magandang Venue para sa date. ilang oras nlng ang natitira.pagkatapos ng klase cramming nanaman dahil may project na kailangan tapusin, kahit mukha na akong multo na tila matutunaw na sa init ng umaga, kasabay pa ng eyebags na ilang sandali na lang mahuhulog na, ay smile parin, para nila mahalata ang eyebags at madistract sila sa smile ko , ilang lata at bote ng energy drinks narin ang naubos para di lang mawalan ng Energy, konting idlip dito doon, hangang sa mga oras na ito wala pa akong maisip na lugar kung saan, hangang naka recive ako ng text mula sa ka date ko na sabing “Hey Jest san mo ako balak dalhin?, saan tayo” , ewan ko lang kung bakit biglang pumasok sa isip ang isang scene ng Scandal na nakita ko sa cellphone sa tanong na ito , siguro sadyang marumi lang talaga utak ko at kelangan nang malabhan para luminis ulit, nagpapanic na utak ko kung anung irereply , nasabi ko nlng sa kanya, ” Basta sa lugar na marerelax ka ” nang na send ko ito huli ko nang na realize na parang may 2nd meaning, na isiip ko baka maisip niya iba and ibig kong sabihin , magrereply na sana ako nang mareciv ko ang reply nya na sabing, “umayos ka , kung saan mo ako dadalhin takot ako sa mga ganyan” , na isip ko na magkita kami sa dating place na pinupuntahan namin sa Mcdonalds Illustre, alam ko napaka common ang place na ito pero especial naman dahil sa mga memories namin dito, at dahil napaka layo ng park at iba pang mga restaurant, problema ko nalang kungs saan ma place para marelax siya,dito ko naalala ang Shiatsu spa na pinuntahan namin noong nagpamasahe kami dati maganda din dun at tiyak makakrelax siya, sa wakas solve na ang place at sumang-ayon siya sa mga ito, di man ito ganun ka Gara gaya ng aking pinaplano , pero Okay na din ang importante kumportable siya.

2:00pm na ng hapon , napagkasunduan namin na ma-aga kaming magkita, dahil may trabaho pa pagka gabi, maaga ito sa ina-asahan ko pero mabuti nrin kesa magabihan siya, dala ang isang bag na Gift na ang laman ay si Squidward at Mr.Crabs ng spongebob squarepants, ilang lingo ko din namin tong pinag tulungan ng mga kaklase ko lahat kami ay hindi marunong magtahi kaya medyo tagpi tagpi tignan ang mga dolls, maganda naman ang pagkaka-gawa at may Art (unique kung tawagin), habang naghihintay pinapakpak ko muna ang fries, naka tutok ako sa bintana sabik na sabik na makita siya ang tagal din naman kasi na hindi din kami nagkausap at sa totoo lang mis ko na din siya, alang sandali ang lumipas at kalahati nalang ang fires na naiwan, nakita ko siya sa malayo na naglalakad papunta sa akin , wala akong masabi kundi para siyang diwata sa alapaap na nag nining-ning, talagang napaka ganda niya suot ang isang klay gray na dress, maputi ang kutis, naka tali ang buhok, kahit sa malayo makikita mong mapula ang kanyang labi, tulala ako sa kinauupuan ko , sabay sabi sa sarili “bakit mo ba hinayaang mawala sayo ang babaeng ito, tsk tsk” , nasa pintuan na siya papunta sa akin at ngumiti akp sabay sabing ” Advanced Happy Birthday!”, masaya na ako sa ngiti niya at pasalamat, munikan na akong mawala sa sarili at sabihing “i still love you ” buti nlng may control pa ako sa sarili, and dami kong gustong sabihin at malaman , ang dami kong gustong itanong , pero napagpasyahan kong ipagpaliban , kasi hindi ko naman siya inimbitahan para dito , ang date na ito ay para sa birthday niya at gusto ko siyang maging masaya at di mauwi sa trahedya ang sabi ko sa sarili , nanginginig na ako at parang sasabog na puso ko sa saya, kahit alam ko na may ibang mahal na siya di ko rin naman talaga mapigilan mahulog ulit, nagkamustahan kami sandali kung anung mga plano sa trabaho at iba pa, natakot lang akong itaning kung kamusta na ang lovelife niya, inisip ko nalang na wala akong karapatang malaman, kaya di ko na natanong.

pagkabigay ko sa gift ang laki ng ngiti nandun pa ung trade mark na “eeeee an cuuute, thaaanks “, masayang masaya ako nang narinig ko ito,feeling ko mission accomplished you made her smile !!, nagustuhan niya espcially si squidward , pagkatapos namin sa mcdo , pumunta agad kami sa shiatsu spa nilakad namin mula illustre hangang quirino naalala ko pa dati din dito kami dumadaan papuntang mall, parang trip back to memory lane, ang dami naming ibang topic na napagusapan .gaya ng Mani kaka-daan lang namin sa isang kanto na may tindahang kariton at nagbebenta ng mani amoy na amoy namin ang presko at sarap ng bagong salang na mani sa kawali, sabi pa nya “tagal ko na di nakatikim ng mani” na-alala ko tuloy ung tindera ng mani sa bus pag umuwi ako sa amin. nakaka lungkot lang isipin na isa sa mga napagusapan ay ang kanyang planong resignation at future plans na mag apply sa ibang call centers natakot akong bigla na di ko na siya makita naisip ko sana matagal pa to at magbago sana isip niya, habang papuntang Spa.

Sa Spa , andun parin ang familiar na amoy ng oil, gaya ng unang araw kaming pumasok dito, amoy lavender na may halong virgin coconut oil, napaka solemn ng place at tanging amoy ng scented candles at oil and bumabalot sa paligid , ang ambiance naman ay all time favorite love songs na instrumental, di ko na expect ito dati kasi ang background music namin ay Celine Dion all time favorite, nagulat ako bigla nang sinabi ng masahista, ” Sir maghubad na kayo, mag sisimula na tayo, ikaw din mam” parang kampana sa tenga ko ang mga ito ang dami nang scenario na sumagi sa isipan (kung anu anu kasi ang binabasang immoral pag walang magawa), pinigilan ko lang ang sarili para hindi nila mahalata, pinilit ko nalang mag isip ng isang pagkain sa macdonalds, ung all time favorite na Quarter Pounder na may Juicy beef patty sa gitna ng dalawang buns na may special na Mayo Dressing at mapupula at preskong kamitis at lettuce na sa unang tingin katakam takam na, (sa pagiisip ko nito nagulat ako nang biglang naging legs ang buns). nagkanya kanya na kami ng pwesto sa mga kamang hihigaan para sa masahe, kanya kanyang pagaayus na rin sa sarili, sayang lang dahil nasa kabila siya na di ko makita(di ko na idedetalye ang iba baka masensor pa at may magalit at dahil natulog ako sa buong oras ng session).pagkatapos namin magpamasahe umalis narin kami agad para makapagpahinga siya , nadaanan namin ang isang shop na may display na dress sa harap, maganda ang gawa parang fusion ng japanese at traditinal english na long gown. dumeretso muna kami sa isang convinience store para mamili ng kape , tissue at noodles na kakainin nya bago pumunta ng trabaho.

masayang masaya ako dahil napaunlakan ako sa pagkakataong ito na makadate siya , lubos siyang nagpasalamat sa effort at talaga namang isang maliking accomplishment sa akin na mapasaya ang taong mahal ko , ngayon ko lang ulit siyang nakita na masayang kasama ako sa matagal na panahon, at sana maulit muli . hindi ko na tinuloy na sabihin sa kanya, naisip ko siguro tama na ang ginawa ko para malaman niya na mahal ko parin siya.

sayang lang sa sobrang saya ko nakalimutan ko kumha ng pictures T_T

alinlangan

Intro : naka upo sa isang sulok habang hawak ang cellphone na halos matunaw na sa kakatitig sa screen habang naghihintay ng text.

ang daming bagay na naglalaro sa isip ……

“excited ako sa date natin, kaya lang di mo pa sinasagot kung papayag ka ba o hindi , pero hihintayin ko parin ang sagot mo,”

sabay dighay ~~

“plano kong dalhin kita sa isang place kung saan makaka relax ka , a t the same time makausap ka ng walang storbo,”

“sinubukan kitang tanungin kung san mo gusto pumunta pero di mo sinagot , natakot ako bigla kung may nasabi akong masama, kasi eversince natanong ko bigla un nag-iba bigla expression mo nung tinanong ulet kita, nag alala din ako kasi bigla ka lang natahimik, habang nagchachat, di mo kasi pinapansin mga kasama mo, sinubukan kitang tanungin kung OK ka lang nung break time , bigla ka lang kasi sumimangot na para bang may papalapit na mabahong nilalang , (sa isip ko naligo naman ako kaya naisip ko siguro okay lang, ) alam ko naman na storbo lang ako pero sinubukan ko parin lumapit , di kasi matahimik kaluluwa ko pag ganun ang expression mo , nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip, tulala at ayaw kumausap, sa pag pagkakilala ko kasi sayo pag ganyan me problema o malalim lang talaga iniisip mo

sana naman pumayag ka kahit sa isa pang pagkakataon na ma date kita”

~~ Beep  Beep

1 Message Recieved

Breaktime na Horror

ang sarap talaga mag kape na may halong tsokolate at cream, lalo na pag stressed nakaka relieve ng pagod kahit papano at nakaka init sa malamig na gabi, ito ang personal kong paborito pag nasa trabaho simula nang malipat ako sa graveyard shift. putaktihin ka man ng mga customers buong gabi sa trabaho, at abutan man ng antok pag may kapeng may crema at de tsokolate solve na wala nang mas relaxing pa para sa akin, di kasi gaya ng iba na nagpapalipas ng oras na nagyoyosi, wala din naman akong mapapala dun kundi nicotine at sakit. simula nang nalipat ako sa graveyard shift dito nagsimula ang hilig ko sa kape, (kahit na kabilin bilinan ng doctor na bawal to sa akin dahil nakakasama sa puso ko) dala na rin siguro ng katigasan ng ulo at pangangailangan na magising kaya sige parin kahit me sakit, nagiging irregular tuloy heartbeat ko dito na parang aatakehin ng hika.

pagka dating ng alas tres ng umaga (3:00 am) Break time nanaman, magkakasama nanaman kami ng mga kapwa ko aswang sa baba ng building, may tatlong uri nang aswang pagka breaktime, sa isang sulok kung saan tanging ilaw lang ng poste makikita mo ang mga nakakatakot na mata as dilim ang mga Kapre na humihithit ng tabaco napapalibutan ng animoy hamog (pero usok pala), sa kabilang banda naman makikita mo ang mga uhaw at gutom na mga nilalang, ang mga gutom na nilalang naman ay matatalas ang mga pangil sila’y nagsasalo-salo sa pagpapak ng anumang makitang pwedeng kainin, buhay man o patay kaya nilang kanin sa gutom( lalo na pag gutom na gutom talaga), kasabay naman nga mga gutom ang mga uhaw hawak hawak ang kani kanilang baso at bote na tinitimplahan nila ng kanikanilang mga gayuma na panlaban antok na parang mangkukulam sa kanyang mankok nanlilisik ang mga mata at namumula malumanay kung kumilos ngunit bayolente pagnagalit(dahil kulang sa tulog), isa ako sa mga mangkukulam na ito na nagtitimpla ng kanyang sariling gayuma(kape) sa lalim ng gabi.

ganito ang eksena gabi gabi , nagmumukha kaming aswang o zombie sa stress at tanging break time lang kami nakakapag hasik na lagim , nakakapag kwento, pa relieve ng stress at kalayaang pagmumurahin ang lecheng customer na nagdaan, kasi ito lang din naman ang FREE (emphasize ko lang ang FREE) time namin, kung sa eskwela pa Recess.

The Christmas Party

disyembre nanaman , malamig nanaman ang hangin, sa mga ganitong panahon masarap may kaakap sa gabi o matulog habang nakabalot sa limang layers ng kumot. marami ding nag ka-caroling na mga batang sintonado at di alam ang lyrics gaya ng walang kamatayang lyrics na ” in eber in eber in nature siiiiiiiiiiiing! ” na kinakanta, halos muhulog kana sa kinauupuan mo sa katatawa. pero kinagandahan nito ang kabi-kabilaang kainan at party bago mag bisperas.

kamakailan lang nagdiwang din ng isang party ang opisina namin, as usual trademark ko na ma-late (dahil galing pa ako sa probinsya at humabol lamang sa okasyon). pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, agad kong nakita ang mahal kong ex, gaya ng dati maganda parin siya mahaba ang buhok, blonde, naglalaro na sa isip ko ang mga ala-ala namin, naramdaman ko naman na sabik na sabik parin akong makita siya. nagulat akong bigla nang nakita kong may ibang lalake siyang kasama, bigla ko agad nai-isip ” WTH, sino yan?, di ko alam nagbreak na sila nung lalakeng yun, lintik kung alam ko lang, di ko man lang nalaman ligawan ko sana ulet sh*t, too late naba?” at marami pang iba na pumasok sa isipan ko na di ko ma-alala, inayos ko sarili para di mahalata at kunwari wala akong nakita, palingon lingon tabi umi-iwas ng tingin sa dalawa, naghahanap na ako ng upuan at nakita ko ang mahabang mesa kung saan naka bandera ang banner na Buffet. naisip “sabagay mas attractive naman talaga ang Buffet table kesa sa kanila” , yun nalang ang napag-tuonan ko ng pansin, nang kukuha na sana ako ng plato para maki saw-saw sa ulam at kanin biglang me baklang umawat sabay sabing “psst gwapo ” naks na shock ako hindi dahil sa tinawag akong gwapo(at totoo naman) kundi sa tinuro niyang “linya” sa likuran nya na pagkahabahaba, bilang tao, paminsan minsan may natitira din tayong Hiya kahit konti, kaya para akong ice na nalusaw sa mga titig ng mga taong gutom, dali dali kong ni-relocate sarili ko sa kina hulihan ng linya na parang squater papuntang relocation site.

Ang galing din naman talaga umayos ng tadhana, di ko lubos maisip kung nana-nadya talaga o swerte lang, kalain mo ba naman kasama ko ex ko sa hulihan ng linya, di ko napigilan sarili ko at mapa smile sa kanya na parang model ng close up. yayakapin ko sana kung di ko lang na-alala andun pala ung lalake na kasama niya (na ngayon ko lang napansin bagong gupit pala BF niya), nagawa ko nalang sumingit ng handshake, konting pa cute dito doon , pasimpleng chansing, konting dampi at “gentle pinch” sa pisngi na naging trademark ko na sa kanya tuwing magkikita kami, may hug pa sana naunahan lang ako ng hiya kaya ginawa ko nalang akbay para di obvious, halos di na maitali kaluluwa ko sa kasiyahan kung alam niya lang, sabi ko sa sarili ko “oi halatang halata di ka pa nakapag move-on ayusin mo sarili mo LOL” sabay tawa sa sarili na parang baliw. wla akong ibang naitanong sa kanya kundi “kamusta kana?” (pero katunayan gusto ko sana tanungin kelan sila magbreak pero na-isip ko wag na) sa tagal tagal ng panahon di na kami nakakapag-usap dahil siguro minsan nagkakailangan, ito lang ang tanging nasip kong sabihin, naka-ngiti niyang sinagot “okay naman ako , ikaw?” sinagot ko naman ang lagi kong script pagkinakamusta ” eto same as always ” talaga namang same as always dahil sa totoo lang hanggang ngayon kahit walong (8) buwan na ang nakalipas mula noong wala na kami, patay na patay parin ako sa kanya. ikinasaya ko ang makausap siyang muli na parang walang nangyari, parang gaya parin ng dati pero andun parin ang pakiramdam na iba na ang lahat.

ang tagal naming naghintay, at sa haba ng pila nagmumukha na kaming malnourished sa isang refugee camp na naghihintay ng relief goods na bigas, de-lata at noodles. pero kahit gutom na, may iba paring nakukuhang mapa smile dahil sa Camera , syempre di mawawala ang walang kamatayang peace sign ng mga pacute at iba pang handsign, kung madevelop lang ang picture na yun, at di mo lang alam ang mga ibig sabihin ng mga handsign nito, aakalain mo siguro mga pipi ang nasa litrato, nan diyan din ang popular na wacky pose maganda to at nakakatuwa pagmasdan lalo na pag nagmumukhang mental hospital patient ang nasa litrato. habang naka-pila kaliwat kanan ang ganitong eksena, may iba pang sisigaw na “ oiii patingin ng kuha ko” o kaya mga komento na ” ay ang pangit ko dito delete natin, kuha tayo ulet sige na“, at least nakalimutan namin ang gutom habang nilalait namin ang mga nagpapapicture sa tabi, naisip namin okay lang sa lakas ng sound system di naman siguro nila maririnig sabi ng ex ko.

malapit na kami sa mesa, na-aamoy ko na ang ulam, kanin at prutas, sumasayaw na din ang tiyan ko sa gutom habang dumadaan sa harap ko ang mga nauna sa akin na para bang pinapapa-ingit ako, habang naghihintay marami-rami na din kaming napag-usapan ng ex ko, nag change topic namin nang biglang dumaan ang kasama namin sa trabaho na buntis, “ang laki na nang tiyan niya noh” sabi ng ex ko, ” oo nga” sangayon ko sa kanya, sabay sabing “ikaw baka buntis kana ha di ka lang nagsasabi, ang laki na din kaya ng tiyan mo hehehe” di ko man sinasadyang tanungin pero curious lang ako sa magiging reaksyon at sagot nya” di oi, damit lang yan” parang defensive naisip ko, di ko napigilan na hawakan ang tiyan niya na para bang naghahanap ako ng proweba at tama nga gamit nga lang, ” di ata to sa damit lang ehh fats ata to” pabirong sabi ko sa kanya, sumimangot siya pagkasabi ko sa word na FATs, pero binawi ko kaagad na joke lang, sabay tanong “ikaw kelan kaba mabubuntis?” sagot niya naman “ soon , di pa ngayon soon, magprepare pa ako hehehe” sa sagot niyang ito di ko lang maipaliwanag kung bakit biglang bumigat pakiramdam ko (na para bang nagka LBM ako bigla) , naisip ko siguro malapit na tong magpakasal gusto ko sana itanong pero naunahan ako ng takot, biglang nawala ang pag-asa ko sa kanya, “ sabagay marami ka namang duster na nakatago, nagsisimula ka na sigurong maginvest anoh” sabi ko sa kanya, pero di na niya ito nasagot at kinausap nya ulit bf niya, di ko lang alam kung bakit nanahimik ito pagmalapit ako, pero malamang nagseselos na din ito gaya ko kaibahan nga lang mas may karapatan siya kesa sa akin.

Sa wakas nasa mesa na kami, dala dala na namin ang plato, kutsara tinititigan na namin ang waitress na mag se-serve, gutom na kami lahat, atat na ata na kaming maka-kain, subalit pagkaharap ko sa mesa, bumulanta sa amin ang tray na walang laman kundi tirang mantika at sabaw mga ulam. parang naka tingin kami sa isang karumaldumal na crimen na nangyari, tanging ebidensyang naiwan ay ang walang laman na tray na para bang sinalat ng magnanakaw (ang pagkain namin) at ang pinakamalapit na witness ay ang waitress, lahat kami may halu halung emosyon at pagkadismaya sa nangyari, lahat nakatitig sa waitress sabay tanong na “miss anung nangyari dito?“, na parang bigtimang walang kamalay-malay na nawalan na pala sila, lumapit ang isang kaibigan ko sa waitress, na parang isang pulis na nag-iimbistiga halatang galit at gutom, nang tinanong niya “ miss may kasunod pa to ?” sabay taas ng kilay, abiso naman ng waitress nagluluto pa daw , pero maya maya pa iseserve, lumingon kami sa paligid para nang dinaanan ng giyera ang mga mesa, halos lahat ng tao nakakain na maliban sa amin. napaupo nalang kami sa isang sulok at nag antay, habang niluluto ang pagkain.

sa pagkakataong ito, di ko na mapigilang tumitig sa kanya habang di siya nakatingin, minsan napapansin ko nalang nagflash back na pala utak ko sa past namin, ewan ko lang kung sa gutom lang to O talagang may sakit ako sa utak dahil di ko pa siya makalimutan, natatakot tuloy ako na baka baliw na ako dahil dito. minsan di man sinasadyang makita ko silang sweet sa isat isa, di ko din maiwasan masaktan kahit papaano minahal ko din naman siya, at sa katotohanan nagseselos parin ako pag nakikita ko silang ganito, na-alala ko lang ganun din kasi kami dati,paminsan minsan di ko mapigilan na manghinayang, pero inisip ko na lang kaligayahan niya ito at dapat kong irespeto, nakikita ko naman na talagang maligaya siya at wala na akong ibang maihihiling kundi ang kaligtasan niya at tanging mabibigay ko lang ay pagmamahal at suporta kahit bilang kaibigan lang…. eto na ang epekto ng gutom.

Di nagtagal at natapos din ang paghihintay namin kahit late ang kainan okay na lang din , naabutan nalang kami ng presentation bawat groupo sa opisina namin bago kami natapos. di ko na tinapos ang buong programa, tinapos ko nalang ang pagkain. at umuwi para matulog. kung ibubuo lahat ng nangyari ang saya din naman nang party, me mga babaeng sumayaw, meron ding parang nagpraktis lang sa stage, meron ding wholesome meron ding hindi , pero di ko na napagtuonan nang pansin , dahil mas importante ang pagkain at dahil na din siguro gusto kong makaiwas subconciously.

Remnant of desperation

I was browsing through one of my emails and found this mail of mine , i  thought I may as well  share this

this was an email i sent desperately trying to explain my situation

—————————————
I’m sorry about this … i wish i could talk to you more ,
i really missed you even now …

all i can do now is express everything in writing,
i cant even think straight when i’m like this ,

—————————————————————-

as the days passed , he missed her more and more , but he had no choice at the moment , he needs to lay low for a while to avoid suspicion of his mother, work days passed , he wanted to hug her every time she gets near, he misses her so much that he could almost break . he wanted to tell her so much but he cant, he’s even more afraid if she decided to call it off and break up. He didn’t do anything, or tell anyone ,he just keep evading,

when the time comes that hes ready to defy everything, even if it meant disobeying, He was already too late …………. too late to say anything ,
on all the time he’d spent evading he didn’t foresee the loneliness and worry he has given her , he neglected her for the fears he had hoped not to come true by evading it, but it turns out all his fears had came true …

Hope

when you love someone, there are times that we feel so helpless on one that all we can do is wait for the outcome, at the same time looking for ways on how to overcome the feeling of helplessness, you keep on thinking How and Why till you get tired of thinking, especially when you lose hope

you keep on asking these to your self

why you still appreciate

How you can get everything  back?

Can it still be saved?

Can it be more than this?

Is the Effort worth it?

What am i to Do,  can i still be special or just a person from the past?

you can think of all possibilities , Even Imagine Scenarios, fearing if it will be a victory and failure until it splits your head in two, though no matter how hard you try you cant still come up with an answer,  and in the end it will just hurt you,  it brings fear to your heart to the point  where you don’t know what to do.

helplessness is a crime as i know,and  at times when i doubt myself , i keep asking why do i keep pursuing , why do i keep chasing a dream which seems to be impossible obtain, only one answer comes to my mind and its

Hope,

Hoping that one day all will better