panliligaw? —–

minsan-talaga pag-wala ka nang magawa, titingin ka lang sa isang sulok at magiisip ng kung anong pwede ipost. sa sobrang adik mo na sa social networking sites kahit ano, basta lang makapagupdate at mapansin ka lang ng crush mo, ibang klase na talaga ang ligawan ngayon.

kung noon pa simpleng “Hi” lang dahil wala ka lang ibang masabi o di kaya pa-simpleng “love letter” ang ipinapadala sa kaibigan na kunwari ” bridge ” , at sila pa ang nagkatuloyan, o ang pa “text text ” diyan sa tabi-tabi hangang sa mapudpud ang daliri. ngayon pa “tweet” nalang o kaya naman “Status Update”, salamat sa internet ,

kung noon kailangan mo pang bumunot ng lakas ng loob para sa isang “Hi” , at ipadala ang lahat ng sulat sa kartero o ang maubusan ka ng load at kuko sa kakatext , ngayon mas naging simple, kailangan mo lang ng internet at keyboard. problema nga lang kung wala ka namang computer o internet ehh wala rin, mag internet cafe ka na lang.

kahit umunlad na teknolohiya iba na din ang panliligaw kung noon simpleng simple lang humirit ng mga kataga gaya ng “hahamakin ang lahat masunod ka lamang “- ngayon kailangan mo nang bumunot ng isang magandang Pick – up line sa kailaliman ng utak mo para lang hindi ka mabara at sabihan ng “Estoryahee”. mga babae naman talaga Oo nagbago na din , kahit simpleng pambobola hindi gagana. kaya tayong mga lalake gumawa pa kayo ng bagong mga paraan para ma-iba naman , at wag na tayo maki-uso sa radyo.

parang – awa nyo na ang hirap na kaya manligaw kahit bago na ang teknolohiya –

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s