Miga

Movie Date?!!!!!!….

Sabado mag-aalas kwatro na ng hapon, kakapalabas pa lang ng KNIGHT and DAY , Toy Story 3 at 3rd installement ng twilight saga, maraming tao ang nakapila para lang makakuha ng ticket na papaubos na sa Cinema Stand sa mall, sa gitna nakadisplay na boards at advertisement sa mga susunod pang palabas, doon ay naghihintay ako, suot ko lang noon ay jacket na blue brown na shirt at ang paborito kong maong, magulo pa ang buhok ko noon sa kaka-kamot sa ulo dahil galing pa ako sa isang meeting, tinignan ko ang cellphone sabi sa isang message” malapit na ako, saan ka”, agad akong nagreply “ hanapin mo lang ang tanga na nakatayo malapit sa iron man poster sa may ticket booth”, ilang saglit lang nakita ko siya , nakasuot ng putting blouse at shorts ang kanyang Blond dyed na buhok ang kanyang ngiti at ang kanyang matulis na boses sabay sabi ng pangalan ko, habang papalapit siya sinalubong ko siya ng isang malaking ngiti sabay sana ng isang malaking yakap pero di ko na tinuloy in0akbayan ko nalang, habang naglalakad kami para kumaha ng ticket, tinanong niya ako, “ kanina kapa ba dito? Sorry na late ako “ , “ ok lang yun, bago lang din ako dumating “ pasinungaling na sagot ko kahit na malapit nang bumigay mga ugat ko sa paa sa kakatayo ng halos kalahating oras, pero kahit na ganun Worth it naman.

tinignan namin ang magkabilaang pila sabi ko “ ikaw anu gusto mo panoorin?” kahit na alam ko na hindi siya mahilig sa sine at kahit na alam ko ang ang isasagot niya, “kahit anu jan ok lang basta may pagkain” sagot niya., napagusapan naming panoorin ay ang twilight sana pero nang makita naming halos puno na ito ay lumipat nlng kami, knight and day din sana sa VIP Lounge pero puno din ito kaya nag toy story 3 nalang kami. Bago kami pumasok bumili muna kami ng 2 footlong na hotdogs, at ice tea, muntikan ko nang naiwala ang ticket buti nlng nasa bulsa lang pala, madilim pagpasok namin sa sine pero hindi pa nagsimula ang opening Ads at trailer, nahirapan pang magadjust ng ang mata ko sa dilim at muntikan na akong madapa sa hagdan buti nalang lumiwanag katapos lang pala ng palabas at pa-alis na din ang ibang manonood, nag hanap kami ng pwesto sa likuran ng projector ikatlong hilera ng mga upuan mula sa taas, “ kelan ka last nanood ng sine “ tanong ko, “nung december ata, di ko na ma-alala”sagot niya, “ahh,” sabi ko sabay ngiti “anung palabas nun? At sino kasama mo ?” tanong ko ulit sa kanya “ avatar “, nagtaka ako bakit hindi niya sinagot ang isa pang tanong tinanong ko ulit “sino kasama mo noon ?” , “basta wala ka na dun” sa hindi maipaliwanag na dahilan naramdaman ko ng parang may gusto siyang kalimutan, o para bang may bumabagabag sa kanya , hindi lang dahil sa ayaw niya itong pagusapan kundi may isa pang bagay na mas malalim pa na ayaw niyang ipakita.

nakwento niya dati na hindi siya mahilig manood ng sine dahil boring daw ito, kahit na ganon pumayag parin siya sa paanyaya kong magsine, wow napakaswerte ko naman, pero sa kabila nito di ko maiwasan na may iba pa siyang dahilan na tila may iba pang naglalaro sa isip niya. nagkwentuhan kami habang hindi pa nagsisimula ang palabas. Suot niya ang kanyang salamin, sabi ko sa sarili ko ang cute niya, napangiti ako sa kanya sabay sabing “ang cute mo “ at sinagot naman niya ito ng isa pang ngiti, pakiramdam ko para akong isang kamatis na pula na tila malulusaw sa ngiti niya.

Kahit na nagsimula na ang palabas patuloy parin kami sa pagkekwentuhan, dito ko nalaman ang iba pang mga kakatuwang mga bagay tungkol sa kanya pero karamihan nito puro pagkain at pano lutuin ang alin, sa lahat ng nakilala kong babae siya lang ang alam kong mahilig kumain n g kumain gaya ko. At iba pang detalye na hindi ko pwedeng sabihin at malamang nakalimutan ko na dahil natawa ako sa part na lumabas si barbie at ken sa isang scene ng palabas.

Ilang minuto ang nagdaan naramdaman ko na ang lamig ng sinehan, alam kong mas giniginaw siya kesa sa akin, nang tatanungin ko na sana naunahan niya sa pagsabi “ ang lamig na “ sabay ng panginginig at lamig ng kanyang mga kamay, “ yan kasi hindi ka nagdala ng jacket “ sabay alok ng jacket ko”ayan gamitin mo muna para di ka ginawin” habang nilalagay ko sa balikat niya, naramdaman kong biglang nag backflip ang isang parte ng dibdib ko at muntikan nang lumipad ang atay ko sa cheezy na line, sa kabilang dulo ng utak ko may nagsasabing ‘oi chansing! pagkakataon mo na!’. Na siyang sinunod ko naman, nag kick in agad ang instinct na umakbay “halika dito, para di ka masyadong ginawin” sabi ko sabay akap sa kanya, akala ko pipigilan na niya ako dito pero hinayaan niya nalng ako na akapin siya, hindi na ako napagconcentrate sa palabas para bang kami lang dalawa ang nilalang sa mundo, ang gaan sa pakiramdam iba talaga ang may inaalagaan, na miss ko bigla ang mga panahon at sandali na matagal ko nang hindi na naranasan mag-isa. Kung hindi lang sa armrest na nakaharang siguro ang ganda na na position namin kaya lang naramdaman ko na sumasakit ang tagiliran ko at parang ilang sandali nalang mamamatay na ito dahil sa lack of blood circulation, pero okay lang kung sa kasabihan pa “Sacrifice”.

Pagkatapos ng palabas,hindi na kami namasyal at dali-dali kaming umalis ng mall at sumakay ng Jeep sa may quirino papuntang Terminal, nagmamadali na siyang umuwi dahil naghihintay na sa kanya ang kanyang pamilya, at dahil gabi narin minabuti ko nang ihatid siya kahit sa terminal man lang, pagkadating namin, naghintay muna kami sandali at naghanap ng papaalis na sasakyan, “ingat pauwi ha.. text mo ako pag dating mo ng bahay, kiss ko” sabi kong pabiro sabay wave “ opo , I tetxt kita see you at school nalang” sagot niya sabay halik. Para akong kandilang nalusaw bigla, di ko inasahan na hahalikan niya talaga ako. At ganun nalang natapos ang storya…

di ko man lang nasabing mahal ko siya …..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s