The Christmas Party

disyembre nanaman , malamig nanaman ang hangin, sa mga ganitong panahon masarap may kaakap sa gabi o matulog habang nakabalot sa limang layers ng kumot. marami ding nag ka-caroling na mga batang sintonado at di alam ang lyrics gaya ng walang kamatayang lyrics na ” in eber in eber in nature siiiiiiiiiiiing! ” na kinakanta, halos muhulog kana sa kinauupuan mo sa katatawa. pero kinagandahan nito ang kabi-kabilaang kainan at party bago mag bisperas.

kamakailan lang nagdiwang din ng isang party ang opisina namin, as usual trademark ko na ma-late (dahil galing pa ako sa probinsya at humabol lamang sa okasyon). pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, agad kong nakita ang mahal kong ex, gaya ng dati maganda parin siya mahaba ang buhok, blonde, naglalaro na sa isip ko ang mga ala-ala namin, naramdaman ko naman na sabik na sabik parin akong makita siya. nagulat akong bigla nang nakita kong may ibang lalake siyang kasama, bigla ko agad nai-isip ” WTH, sino yan?, di ko alam nagbreak na sila nung lalakeng yun, lintik kung alam ko lang, di ko man lang nalaman ligawan ko sana ulet sh*t, too late naba?” at marami pang iba na pumasok sa isipan ko na di ko ma-alala, inayos ko sarili para di mahalata at kunwari wala akong nakita, palingon lingon tabi umi-iwas ng tingin sa dalawa, naghahanap na ako ng upuan at nakita ko ang mahabang mesa kung saan naka bandera ang banner na Buffet. naisip “sabagay mas attractive naman talaga ang Buffet table kesa sa kanila” , yun nalang ang napag-tuonan ko ng pansin, nang kukuha na sana ako ng plato para maki saw-saw sa ulam at kanin biglang me baklang umawat sabay sabing “psst gwapo ” naks na shock ako hindi dahil sa tinawag akong gwapo(at totoo naman) kundi sa tinuro niyang “linya” sa likuran nya na pagkahabahaba, bilang tao, paminsan minsan may natitira din tayong Hiya kahit konti, kaya para akong ice na nalusaw sa mga titig ng mga taong gutom, dali dali kong ni-relocate sarili ko sa kina hulihan ng linya na parang squater papuntang relocation site.

Ang galing din naman talaga umayos ng tadhana, di ko lubos maisip kung nana-nadya talaga o swerte lang, kalain mo ba naman kasama ko ex ko sa hulihan ng linya, di ko napigilan sarili ko at mapa smile sa kanya na parang model ng close up. yayakapin ko sana kung di ko lang na-alala andun pala ung lalake na kasama niya (na ngayon ko lang napansin bagong gupit pala BF niya), nagawa ko nalang sumingit ng handshake, konting pa cute dito doon , pasimpleng chansing, konting dampi at “gentle pinch” sa pisngi na naging trademark ko na sa kanya tuwing magkikita kami, may hug pa sana naunahan lang ako ng hiya kaya ginawa ko nalang akbay para di obvious, halos di na maitali kaluluwa ko sa kasiyahan kung alam niya lang, sabi ko sa sarili ko “oi halatang halata di ka pa nakapag move-on ayusin mo sarili mo LOL” sabay tawa sa sarili na parang baliw. wla akong ibang naitanong sa kanya kundi “kamusta kana?” (pero katunayan gusto ko sana tanungin kelan sila magbreak pero na-isip ko wag na) sa tagal tagal ng panahon di na kami nakakapag-usap dahil siguro minsan nagkakailangan, ito lang ang tanging nasip kong sabihin, naka-ngiti niyang sinagot “okay naman ako , ikaw?” sinagot ko naman ang lagi kong script pagkinakamusta ” eto same as always ” talaga namang same as always dahil sa totoo lang hanggang ngayon kahit walong (8) buwan na ang nakalipas mula noong wala na kami, patay na patay parin ako sa kanya. ikinasaya ko ang makausap siyang muli na parang walang nangyari, parang gaya parin ng dati pero andun parin ang pakiramdam na iba na ang lahat.

ang tagal naming naghintay, at sa haba ng pila nagmumukha na kaming malnourished sa isang refugee camp na naghihintay ng relief goods na bigas, de-lata at noodles. pero kahit gutom na, may iba paring nakukuhang mapa smile dahil sa Camera , syempre di mawawala ang walang kamatayang peace sign ng mga pacute at iba pang handsign, kung madevelop lang ang picture na yun, at di mo lang alam ang mga ibig sabihin ng mga handsign nito, aakalain mo siguro mga pipi ang nasa litrato, nan diyan din ang popular na wacky pose maganda to at nakakatuwa pagmasdan lalo na pag nagmumukhang mental hospital patient ang nasa litrato. habang naka-pila kaliwat kanan ang ganitong eksena, may iba pang sisigaw na “ oiii patingin ng kuha ko” o kaya mga komento na ” ay ang pangit ko dito delete natin, kuha tayo ulet sige na“, at least nakalimutan namin ang gutom habang nilalait namin ang mga nagpapapicture sa tabi, naisip namin okay lang sa lakas ng sound system di naman siguro nila maririnig sabi ng ex ko.

malapit na kami sa mesa, na-aamoy ko na ang ulam, kanin at prutas, sumasayaw na din ang tiyan ko sa gutom habang dumadaan sa harap ko ang mga nauna sa akin na para bang pinapapa-ingit ako, habang naghihintay marami-rami na din kaming napag-usapan ng ex ko, nag change topic namin nang biglang dumaan ang kasama namin sa trabaho na buntis, “ang laki na nang tiyan niya noh” sabi ng ex ko, ” oo nga” sangayon ko sa kanya, sabay sabing “ikaw baka buntis kana ha di ka lang nagsasabi, ang laki na din kaya ng tiyan mo hehehe” di ko man sinasadyang tanungin pero curious lang ako sa magiging reaksyon at sagot nya” di oi, damit lang yan” parang defensive naisip ko, di ko napigilan na hawakan ang tiyan niya na para bang naghahanap ako ng proweba at tama nga gamit nga lang, ” di ata to sa damit lang ehh fats ata to” pabirong sabi ko sa kanya, sumimangot siya pagkasabi ko sa word na FATs, pero binawi ko kaagad na joke lang, sabay tanong “ikaw kelan kaba mabubuntis?” sagot niya naman “ soon , di pa ngayon soon, magprepare pa ako hehehe” sa sagot niyang ito di ko lang maipaliwanag kung bakit biglang bumigat pakiramdam ko (na para bang nagka LBM ako bigla) , naisip ko siguro malapit na tong magpakasal gusto ko sana itanong pero naunahan ako ng takot, biglang nawala ang pag-asa ko sa kanya, “ sabagay marami ka namang duster na nakatago, nagsisimula ka na sigurong maginvest anoh” sabi ko sa kanya, pero di na niya ito nasagot at kinausap nya ulit bf niya, di ko lang alam kung bakit nanahimik ito pagmalapit ako, pero malamang nagseselos na din ito gaya ko kaibahan nga lang mas may karapatan siya kesa sa akin.

Sa wakas nasa mesa na kami, dala dala na namin ang plato, kutsara tinititigan na namin ang waitress na mag se-serve, gutom na kami lahat, atat na ata na kaming maka-kain, subalit pagkaharap ko sa mesa, bumulanta sa amin ang tray na walang laman kundi tirang mantika at sabaw mga ulam. parang naka tingin kami sa isang karumaldumal na crimen na nangyari, tanging ebidensyang naiwan ay ang walang laman na tray na para bang sinalat ng magnanakaw (ang pagkain namin) at ang pinakamalapit na witness ay ang waitress, lahat kami may halu halung emosyon at pagkadismaya sa nangyari, lahat nakatitig sa waitress sabay tanong na “miss anung nangyari dito?“, na parang bigtimang walang kamalay-malay na nawalan na pala sila, lumapit ang isang kaibigan ko sa waitress, na parang isang pulis na nag-iimbistiga halatang galit at gutom, nang tinanong niya “ miss may kasunod pa to ?” sabay taas ng kilay, abiso naman ng waitress nagluluto pa daw , pero maya maya pa iseserve, lumingon kami sa paligid para nang dinaanan ng giyera ang mga mesa, halos lahat ng tao nakakain na maliban sa amin. napaupo nalang kami sa isang sulok at nag antay, habang niluluto ang pagkain.

sa pagkakataong ito, di ko na mapigilang tumitig sa kanya habang di siya nakatingin, minsan napapansin ko nalang nagflash back na pala utak ko sa past namin, ewan ko lang kung sa gutom lang to O talagang may sakit ako sa utak dahil di ko pa siya makalimutan, natatakot tuloy ako na baka baliw na ako dahil dito. minsan di man sinasadyang makita ko silang sweet sa isat isa, di ko din maiwasan masaktan kahit papaano minahal ko din naman siya, at sa katotohanan nagseselos parin ako pag nakikita ko silang ganito, na-alala ko lang ganun din kasi kami dati,paminsan minsan di ko mapigilan na manghinayang, pero inisip ko na lang kaligayahan niya ito at dapat kong irespeto, nakikita ko naman na talagang maligaya siya at wala na akong ibang maihihiling kundi ang kaligtasan niya at tanging mabibigay ko lang ay pagmamahal at suporta kahit bilang kaibigan lang…. eto na ang epekto ng gutom.

Di nagtagal at natapos din ang paghihintay namin kahit late ang kainan okay na lang din , naabutan nalang kami ng presentation bawat groupo sa opisina namin bago kami natapos. di ko na tinapos ang buong programa, tinapos ko nalang ang pagkain. at umuwi para matulog. kung ibubuo lahat ng nangyari ang saya din naman nang party, me mga babaeng sumayaw, meron ding parang nagpraktis lang sa stage, meron ding wholesome meron ding hindi , pero di ko na napagtuonan nang pansin , dahil mas importante ang pagkain at dahil na din siguro gusto kong makaiwas subconciously.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s