Katorpehan

sa kinatagal tagal kong nabuhay sa mundong ito, namulat ang mga mata ko mula sa kamusmusan ng sariling kong mundo(oo may sarili akong mundo dati best friend ko si batman) hangang bigla itong lumaki, at naging komplikado dahil sa tinatawag nilang “pag ibig”, naisip ano ba talaga ang ibig sabihin or kahulugan nito sa buhay ko, nung una kala ko simpleng bagay lang ito nung elementary at high school, na kung saan maghahawak ka lang ng kamay ng gusto mong tao, hug dito doon, date dito o sa kanto naguusap ng kung ano ano(favorite part ko dito kumain) , pero hindi pala ganoon…

mas Komplikado pa pala to kesa anumang Batas ng Plipinas, Komplikado pa sa isang maze, magulo pa sa buhok ko pagising ng umaga. pero masaya ito pag maayos ang pagdadala at sadyang mahiwaga kung maituturing, dahil sa di mo maintindihan pakiramdam na aakalain mo sa sarili mo na ikaw si superman, kahit kalaban mo pa ang buong mundo, tamaan ka man ng bala, batukan sa ulo, kaya mo(wag mong sabihin di mo to na experience). para ka ding superhero na nagproprotekta sa mga inosente laban sa kalaban (dahil ayaw mo maagawan ka ng minamahalat pilit mo tinataboy ang masamang impluwensya ng gustong umagaw) , nasabi ko sa sarili “ganito pala to?!” pilit mong minimaintain ng maayos, pinoprotektahan, ina-alagaan sa abot ng makakaya mo.

pero sa kabila ng pag-iingat, di mo talaga maiiwasan na sumablay. sa anumang dahilan Kasalanan mo man o kasalanan ng mahal mo at talagang mangyayar nang di inaasahani. kung sa matatanda pa ang Tawag nila dito “Pagsubok lang yan anak.!”, Tumpak, talagang pagsubok nga ,dahil diyan nasusubok kung gaano katatag ang relasyon, kung may magpapagpakukumbaba at itutuloy ang storya ng buhay nyo o susuko nalang sa dahilang “hindi ko na kaya” o dahil meron na din siyang iba, Masaklap pa nito talagang napakasit at parang guguho na mundo mo. Kung ganito ang dahilan ehh masasabi ko nalang ay “marami na tayo” o ang pinaka gas-gas na linya na “hayaan mo na may iba pa naman diyan” yan ang kadalasang sambit sa atin ng mga kaibigan at kamag-anak na nakakahalatang problemado ka(Note Importante: wag magpahalata na problemado ka).kung nalagpasan nyo ang puntong to, kayo parin Malaking swerte na yun sayo wag mo nang basahin ang kasunod nito.

dahil binasa mo parin ang kasunod ibig sabihin problemado ka nga(gaya ko) at nangangailangan ka ng matinding tulong, naalala ko tuloy ang glactica encyclopedia ng hitchhikers guide to the galaxy na nagsasabing ” The Book says about Love states that it is far too complicated to define. The Hitchhiker’s Guide to the Galaxy has this to say on the subject of love: Avoid, if at all possible” magandang sundin to kung gusto mo maging ermitanyo, kung iisipin mo naman tama din naman dahil kung iwasan mo nga wala ka naman talagang maging problema pero bilang tao importante ito para mabuhay tayo at magkaroon ng saysay sa mundo. mas maganda kasi yung pakiramdam na pinapahalagahan ka at may nagmamahal sayo sa parehong paraan na may pinahahalagahan ka rin na iba.

dahil dito eh.. pumasok tayo sa gulo na tinatawag nating pag – ibig, marahil nga tama ang katagang ” pag-ibig lang ang nakakapag pakumpleto ng buhay ng tao” naalala ko parang Comercial sa TV, isipin mo may bosses na masiglang masigla habang pinapakita ang produkto niya at sasabihing,”all new super pag-ibig available kahit saan, isang pares lang OK na, guaranteed , nakakapapagpasaya na ito sayo, ito din ang sanhi ng kalungkutan mo , ohh … diba completo na ? parang swiss army knife na may kasama pang tooth pick di ka lang masaya dahil nagmamahalan kayo, may problema ka pang kasali, complete set na , at Free pa ito wala pang bayad san kapa? and tanging gawin mo lang ay i-maintain para maganda at kung may problema man may “free lesson’s” pa na makukuha mo sa bawat isa” diba ang galing gaya ng sa window shopping network daming free pag bumili ka neto may special offer pa at ibang benifits,

pero ano ba kinalaman nito sa kahulugan ng pag-ibig? at ano ang kinalaman nito sa pagiging torpe? malaki ba ang parte nito? at pano na ang problema mo may sagot bang kapupulutan sa pagbabasa nito?…”Yan ang di ko pa alam dahil ibat ibang sagot kasi ang para sa ibat ibang problema(isapa problemado din ako gaya mo), malamang dito may kapupulutan ka o wala nakadepende na sayo at sa sitwasyon mo ngayon at kung maniniwala ka.

Unang mapapayo ko, ay isipin mo ang lahat kung saan ka nagkamali, para di mo na ito maulit, ilang beses ko na rin sinubukang isipin ang mga bagay bagay tungkol jan, at maisip kung ano ang dapat kong ginawa nung mga panahon na iyon, pero minsan blanko parin, kasi sa tuwing naalala ko, sa gitna ng pag iisip mo, biglaan nalang lalabas ang isang helicopter at biglang maglalabasan ang mga pulis sa kung saan at a-arestuhin ang lalakeng umagaw ng GF mo, tapos makukulong sa Salang Pagnanakaw at ma sentensyahan ng habam-buhay na pagka bilango, ang saya na sana kung totoo to , kaya lang bigla ka nalang mabubulabog dahil may pumasok na langaw sa ilong mo, Back to reality ulet.

Ikalawa, Kumuha ka ng silya, at ipwesto sa tapat ng bahay , dapat nakaharap ito sa east para swerte dahil dito sumisikat ang araw , sa kanan nito dapat malapit sa gate na bukas , at malapit sa tindahan sa labas para tuloy tuloy ang daloy ng Positibong enerhiya, sa harap ng silya dapat may isang maliit na mesa, punuin ng pagkain para i-alay sa mga esperitu , pagkatapos ma set up ang lahat magtawag ng kasama para samahan ka, mag lagay ng isang baso at bote ng Wine, beer , or Gin at ipainom sa mga kasama, gawin ang ritual na ito hangang umaga at gaga-an pakiramdam mo ,

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s